17 Aug Talumpati: “Rizal’s speech delivered at the banquet in Madrid in honor of Filipino painters, Juan Luna and Felix Resurreccion Hidalgo”
TAKDANG-ARALIN 6:
Oktubre 30, 2021
(Advance Assignment – Paumanhin na pinopost ko ito ng gabi sapagkat mas malakas ang Internet ko sa oras na ito kesa kaninang mas maaga pa. Maraming salamat sa inyong pag-unawa. – Prof. Rollie)
(PAALALA: May Reading Break mula Nobyembre 2-8, 2021; ang submisyon ng Reflection Paper 4 ay sa Nobyembre 12, 2021.)
1. Basahin: Talumpati: “Rizal’s speech delivered at the banquet in Madrid in honor of Filipino painters, Juan Luna and Felix Resurreccion Hidalgo” (Rizal, 1884)
2. Panoorin: Luktyur Video 5.1. (Kilusang Propaganda) at 5.2. (Luna at Hidalgo)
3. Sumulat ng Reflection Paper 4 tungkol sa Kilusang Propaganda at Luna/Hidalgo.
Tanong: Alamin ang pito hanggang sampung likhang obra (visual arts) ni Rizal sa Internet at ihambing ito sa mga likha nina Luna at Hidalgo. Sa paanong paraan magagamit ang mga ideya ni Rizal sa talumpati sa inyong pagtasa (pag-assess) ng mga likha mismo ni Rizal?
(900-1000 na mga salita – isulat sa ibaba ng inyong titulo ang bilang ng mga salita; Isumite – Nob. 12, 2021; Basehan ng grado – Nasagot ang tanong; May makabuluhang insight; Mahusay ang pagkasulat)
Link ng babasahin: Nasa Google Drive para sa PI100.
https://drive.google.com/drive/folders/1HnHsRMRXVM…
————
MGA GABAY NA TANONG:
1. Paano kinumpara ni Rizal ang mga likha nina Luna at Hidalgo? Ano ang inyong mga pruweba?
2. Ano ang pangunahing layunin ni Rizal na mababanaag sa kanyang talumpati? Bakit?
3. Anong mga ideya ng Englightenment ang kasama sa kanyang talumpati? Bakit mo nasabi ito?
————
Matapos mabasa ito, i-type sa ibaba ang: “Nabasa ko po ang Takdang-Aralin 6. May Reading Break mula Nobyembre 2-8, 2021. Ang Reflection Paper 4 ay isusumite sa Nobyembre 12, 2021, Biyernes.”